Tuesday, November 24, 2026

KARAPATAN AT PROTEKSYON NG MGA BATA, SENTRO NG 2ND BATCH NG KARITON NG KARUNUNGAN SA ALAMINOS CITY

Pinalawak sa Barangay San Vicente, Alaminos City ang pagtuturo sa mga bata tungkol sa kanilang karapatan at proteksyon.

Ito ay matapos ang ikalawang batch ng Kariton ng Karunungan: Children’s Rights Caravan bilang bahagi ng Children’s Month.

Batay sa ulat, itinuro sa mga bata ang kanilang mga karapatan, pati ang mga paraan sa pag-alaga sa sarili at kung bakit mahalaga ang kanilang kaligtasan at kapakanan.

Isinagawa ang programa ng Alaminos City Council for the Protection of Children, katuwang ang City Social Welfare and Development Office (CSWDO), sa Barangay San Vicente.

Bahagi ito ng mga aktibidad ng lungsod para sa Children’s Month na nakatuon sa karapatan, kaligtasan, at proteksyon ng mga bata. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments