Thursday, October 29, 2026

Pilipinas, pormal nang tinurn-over sa Singapore ang chairship ng ASEAN Defence Ministers’ Meeting at ADMM-Plus sa 2027

Pormal nang tinurn-over ng Pilipinas sa pamamagitan ng Department of National Defense ang Chairship ng ASEAN Defence Ministers’ Meeting (ADMM) at ADMM-Plus para sa taong 2027 sa bansang Singapore kahapon sa Lapu-Lapu City, Cebu.

Sa isang seremonya, pinangunahan ni Defense Secretary Teodoro ang nasabing pagturn-over kay Singapore Defense Minister Chan Chun Sing.

Kabilang sa mga binigay ni Teodoro kay Chan ang ASEAN Direct Communications Infrastructure Key Management System pati na ang mga dokumento ng Joint Statement ng ASEAN Defence Ministers.

Ayon kay Teodoro, naniniwala ito na ang mga pinagusapan sa pormal na pagpupulong at sidelines ay magpapalakas sa kooperasyon sa hinaharap ng mga ASEAN member states at mga katuwang na bansa.

Ang ADMM at ADMM-Plus ay dalawang araw ginanap sa bansa, simula noong October 28 hanggang 29 ,kahapon.

Facebook Comments