
Hindi na umaasa ang House Prosecution Panel na personal na haharap si Vice President Sara Duterte sa kanyang impeachment trial.
Ayon kay House trial spokesperson at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong, consistent si VP Sara sa hindi pagsipot sa paglilitis kung saan maari nyang ipaliwanag ang alegasyon na mayroon syang tago o hindi maipaliwanag na yaman.
Binanggit ni Adiong na may mga survey kung saan mataas ang bilang ng mga Pilipino na gustong si VP Duterte mismo ang magpaliwanag o dumipensa sa mga alegasyon laban sa kanya na nililitis sa impeachment court.
Pero sabi ni Adiong, ang patuloy na pagtanggi ni VP Sara na humarap sa impeachment trial ay nagpapakita na wala itong sapat na paliwanag sa alegasyon kinakaharap o kaya ay umiiwas ito sa mga mabibigat na katanungan.










