Tuesday, October 27, 2026

2027 budget ng DPWH at DOTr, kayang idepensa ng mga bagong kalihim kahit kapos sa oras —Palasyo

Kumpiyansa ang Palasyo na kayang depensahan nina Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Giovanni Lopez at ni Department of Transportation Secretary Vince Dizon ang kani-kanilang 2027 budget sa kabila ng maikling panahon ng paghahanda kasunod ng pagpapalitan nila ng puwesto.

Ayon kay Acting Presidential Communications Office Secretary Lino Cayetano, nakikipag-ugnayan ang mga ahensya sa Department of Budget and Management (DBM) para maihanda ang kanilang mga panukalang pondo.

Tiniyak ni Cayetano na may mga opisyal at kawani ang bawat departamento na tutulong sa paghahanda ng budget presentation, kaya hindi nakasalalay sa kalihim lamang ang proseso.

Layunin nitong matiyak na maipagtatanggol sa Kongreso ang mga pondong kailangan para sa mga programa at proyektong pakikinabangan ng publiko.

Facebook Comments