Thursday, June 11, 2026

Pasay City PNP chief, na ipina-subpoena ng NBI dahil sa pagtakas ni Sen. Dela Rosa, haharap sa NBI sa susunod na linggo

FILE PHOTO

Kinumpirma ni Pasay Chief of Police, Police Col. Joselito de Sesto na haharap siya sa National Bureau of Investigation (NBI) sa susunod na linggo.

Ito ay may kaugnayan sa pagtakas noong May 14 ng madaling araw ni Senator Ronald ‘Bato’ dela Rosa mula sa protective custody ng Senado.

Sa panayam ng DZXL News 558, sinabi ni De Sesto na igagalang at sisipot siya sa NBI para ipaliwanag na hindi siya sangkot sa sinasabing pagtakas ng senador.

Nag-ugat ang pagpapa-subpoena kay De Sesto at ilan pang indibidwal na nakuhanan sa CCTV palabas ng Senado at sakay na pala nito ang senador.

Kabilang sa mga ipinatawag ng NBI ang suspendidong Senate Sergeant-at-Arms na si Mao Aplasca, deputy Chief of Staff ni Sen. Robin Padilla na si Jean Robles at tiyuhin ni Padilla na si Virgilio Cariño.

Facebook Comments