Panghihikayat umano sa mamamayan na maging aktibong katuwang sa pangangalaga ng kalikasan sa pamamagitan ng pagtatanim at pag-aalaga ng mga punla sa kanilang sariling bakuran at komunidad.
Kabilang sa mga ipinamahaging punla ang bayabas, mulberry, santol, sampalok, umbrella tree, kasoy, atis, at iba pang uri ng mga puno na maaaring makatulong sa pagpapalawak ng mga luntiang espasyo sa bayan.
Ayon sa MENRO, mahalagang mapalawak ang pagtatanim ng puno lalo na sa panahon ng mas matinding init at pabago-bagong klima.
Bukod sa pagbibigay-lilim at pagpapalamig ng kapaligiran, nakatutulong din ang mga puno sa pagpapabuti ng kalidad ng hangin, pagpigil sa pagguho ng lupa, at pagprotekta sa iba’t ibang uri ng hayop.
Sa halip na isang beses na aktibidad lamang, nakatuon ang Community PANTREE sa pagpapalawak ng partisipasyon ng mga residente sa pangmatagalang pangangalaga ng kalikasan sa pamamagitan ng pagdadala ng mga punla direkta sa mga tahanan at komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








