Wednesday, June 10, 2026

Banta sa Senado, nag-ugat sa 18-ex bodyguards ni dating Cong. Zaldy Co

Inamin ni Senator Ping Lacson na maaaring pinagmulan ng sinasabing threat o banta sa Senado ang 18 dating tauhan ni dating Cong. Zaldy Co.

Ito rin ang sinasabing dahilan sa iniutos ni Senate President Pro-Tempore Win Gatchalian na maglatag ng heightened security measures at preventive safety protocols sa mataas na kapulungan ng Kongreso.

Noong Lunes ay nagtungo ang 18 ex-bodyguards ni Co subalit hindi rin naman humarap ang mga ito sa consultative meeting ng Senate Blue Ribbon Committee (BRC).

Sa intelligence information na ipinarating sa kanila ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag, posibleng gamitin ang 18 ex-marine para makakuha ng suporta mula sa mga miyembro ng uniformed services.

Inihalimbawa ni Lacson na kung humarap sa pulong ng BRC noong Lunes ang 18 ex-bodyguards at kung sa pagsisinungaling ay ma-contempt sila at ipinagutos ang pag-aresto, posibleng may mga armadong pumasok sa Senado na hindi naman mula sa mga uninformed services kung hindi sa mga sibilyan na nais lang manggulo.

Tinukoy din ng senador na sa tuwing may ganap o pagdinig ay naririyan palagi ang mga anti-government protesters na nagra-rally sa gate ng Senado.

Nanawagan din si Lacson sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na maging mapagmatyag laban sa mga tao na tinawag niyang “power-hungry” at iyong mga destabilizers na magte-take advantage sa kalituhan o sa sitwasyon.

Facebook Comments