Pangulong Duterte, dumating na sa Cagayan

73

Dumating na sa Cagayan si Pangulong Rodrigo Duterte para tingnan ang sitwasyon sa mga lugar na binahan bunsod ng Typhoon Ulysses.

Pasado alas-12:00 kaninang tanghali nang lumapag sa Tuguegarao City Airport ang eroplanong sinakyan ng pangulo.


Kasama niyang dumating sa probinsya si Senador Christopher “Bong” Go.

Agad namang nagsagawa ng aerial inspection sa mga binahang lugar sa Cagayan Valley ang pangulo.

Facebook Comments