Pangulong Rodrigo Duterte, itinalaga bilang officer-in-charge si Executive Secretary Salvador Medialdea

123

Manila, Philippines – Itinalaga bilang Officer-In-Charge ni Pangulong Rodrigo Duterte si Executive Secretary Salvador Medialdea.

Sa harap na rin ito ng biyahe ni Duterte sa Cambodia, Hong Kong at Beijing, China simula ngayong araw hanggang sa susunod na Linggo.

Bilang Officer-In-Charge, si Medialdea ang mamamahala sa lahat ng trabaho sa Executive Department.

Hahalihinan naman siya nina Justice Secretary Vitalliano Aguirre, Cabinet Secretary Leoncio Evasco Jr. at Usec. Jesus Melchor Quitain para sa mga araw na wala si Medialdea dahil sa mga nakatakda rin nitong biyahe sa ibang bansa.

DZXL558

Facebook Comments