Paniningil ng FIT-All sa lahat ng konsumer sa bansa, pinalawig ng ERC

Pinalawig ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang suspension sa paniningil ng Feed-in Tariff Allowance (FIT-All) sa lahat ng consumers sa bansa.

Ayon sa ERC, ito ay katumbas ng P0.04/kWh sa electricity bill na mararamdaman ng consumers sa susunod na buwan.

Magpapatuloy ang naturang suspension hangga’t hindi binabawi ng ERC ang kautusan.


Layon nito na mabawasan ang pasanin ng publiko sa harap ng patuloy na pagtaas ng singil sa kuryente.

Ito na ang ikatlong suspension ng ERC ng koleksyon ng FIT-ALL mula noong November 2022.

Facebook Comments