
Bibigyang prayoridad ni Senate Committee on Basic Education Chairperson Senator Bam Aquino ang pagsasabatas ng School Safety Act bunsod ng magkakasunod na insidente ng karahasan sa mga paaralan.
Titiyakin ni Aquino ang agarang pagpapasa ng panukala na pinaminiwalaang magpapalakas sa seguridad sa mga eskwelahan at poprotekta sa mga magaaral.
Kung noong una, sinabi ni Aquino na nagsimula ang panuakala laban sa bullying subalit ngayon ay isasama na rin ang probinsyom sa kaligtasan ng mga magaaral sa team-building at out-of-campus activities.
Pinalawak ang saklaw ng panukala bunsod na rin ng fatal shooting incident sa isang paaralan sa Tacloban City, pananaksak sa labas ng isang high school sa Negros Occidental, at iba pang insidente ng karahasan sa loob at paligid ng paaralan.
Sa ilalim din aniya ng panukala ay isusulong na pagtibayin ang pagkakaroon ng School Safety Hotline at Alert system, pagpaparami ng CCTV at increased presence ng mga pulis, security guard, at barangay tanod.
Nito lamang Miyerkules ay personal na nagpaabot si Aquino ng pakikiramay sa mga pamilya ng tatlong estudyante na namatay sa pamamaril sa Tacloban City.










