
Kinumpirma ni Ateneo de Manila University (ADMU) President Fr. Roberto Yap na nakaharap na niya ang mga magulang ni Ateneo student-athlete Rene Baterbonia.
Sinabi ni Father Yap na personal siyang humingi ng tawad sa pamilya Baterbonia.
Kasama niya aniyang nagdasal ang mga ito nang dumating ang mga labi ng atleta sa Arlington Memorial Chapel noong June 9.
Ayon pa sa Ateneo president, kinausap niya rin ang tiyuhin ni Divine Adili at humingi siya ng tawad at nagpaabot ng pakikiramay.
Nangako rin aniya siya ng patuloy na tulong at suporta sa mga naulilang pamilya sa mga susunod pang taon.
Facebook Comments










