Wednesday, July 1, 2026

NCRPO, pinaalalahanan ang mga miyembro ng INC na magsasagawa ng kilos-protesta na sundin ang itinakdang oras sa pagtatapos ng kanilang programa

Tiniyak ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na walang special treatment sa mga lalahok sa rally ng Iglesia Ni Cristo (INC) sa EDSA-White Plains.

Ayon kay NCRPO Chief Police Major General Anthony Aberin, dapat ay sumunod pa rin ang mga ito sa mga umiiral na batas.

Pinaalalahanan din ng NCRPO ang mga miyembro ng INC na nagtitipon-tipon na hanggang alas-8:00 lang sila ng gabi ngayong araw matapos aprubahan ng Quezon City Police District (QCPD) ang permit.

Binigyang-diin din ng Pambansang Pulisya na kanilang iginagalang ang karapatan ng bawat Pilipino na mapayapang magtipon at ihayag ang kanilang mga hinaing.

Patuloy namang nakikipag-ugnayan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa PNP para bantayan ang sitwasyon.

Hiniling din ng PNP sa mga organizer na tiyaking hindi lubos na maaabala ang publiko sa isasagawang rally at hindi maapektuhan ang daloy ng trapiko sa EDSA.

Facebook Comments