Partidong PCM sa Gensan nakapag-file na nang kanilang COC

General Santos City—Nakapagfile na ng kanilang certificate of Candidacy ang partidong PCM o People’s Champ Movement na itinatag ni Senator Manny Pacquiao sa Gensan at Sarangani.

Alas 9:00 kaninang umaga nang pinangunahan ni Gensan City Mayor Ronnel Rivera ang pagfile ng COC sa Comelec kasama ng kanyang mga kasamahan sa partido. Si Mayor Rivera ay tatakbo parin bilang alkalde ng Gensan.

Tatakbo naman bilang bese Alkalde ang bagong halal na ABC President na si Lorelie Pacquiao asawa ni City Councilor Bobby Pacquiao na muling tatakbo bilang city councilor sa lunsod.


Si Vice Mayor Sherlyn Bañas Nograles naman na tatakbong Congressman sa unang distrito ng South Cotabato sa ilalim ngapartidong PCM ang nagfile din ng kanyang COC sa Comelec South Cotabato kanina.

Tudo suporta naman si Senator Manny Pacquiao sa mga kandidato ng PCM na tatakbo sa 2019 election dito sa Gensan. Napag-alaman na nandoon ang presensya ni Pacquiao ng nagfile ng COC ang partidong PCM sa tanggapan ng COMELEC Gensan.

Facebook Comments