
“Rehash” lamang o walang bago sa isinumiteng mga sagot ni Vice President Sara Duterte sa Senate impeachment court kaugnay sa kinakaharap nyang articles of impeachment.
Ayon kay Bicol Saro Partylist Representative Terry Ridon, na kabilang sa 11 House Prosecutors, ang “Answer” ni VP Duterte sa writ of summons ng Senate impeachment court ay katulad lang din ng kaniyang isinumite sa House Committee on Justice kung saan wala siyang sinagot na alegasyon.
Tinukoy ni Ridon na batay sa Executive Summary mula sa kampo ni Duterte ay wala din itong direktang sagot sa pagbabanta nya sa buhay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na kaniyang habang siya ay bise presidente at nasaksihan ng publiko.
Sa kabila nito ay tiniyak ni Ridon na maghahain ang House Prosecution Panel ng kanilang “reply” sa loob ng panahong itinakda ng Senate impeachment court at sasagutin nila ng lubos ang mga argumento ng VP Duterte.










