PASOK SA BASCO CENTRAL SCHOOL, SUSPENDIDO NGAYONG ARAW

CAUAYAN CITY – Sinuspinde ng Lokal na Pamahalaan ng Basco ang pasok ng mga mag-aaral sa Basco Central School ngayong araw, ika-17 ng Marso.

Ito ay matapos ang nangyaring sunog sa paaralan noong ika-16 ng Marso, kung saan tinupok ng apoy ang Gabaldon Building at iba pang mga silid-aralan.

Ang suspensyon ng klase ay ipinatupad kasunod ng pagpupulong ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), na layuning tiyakin ang kaligtasan ng mga mag-aaral, guro, at mga empleyado ng paaralan.

Samantala, patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa sanhi ng sunog.

Facebook Comments