Si Cristy ay 23 taong gulang at residente ng Barangay Cabalaoangan Norte sa Rosales. Bilang panganay sa tatlong magkakapatid, naging hamon para sa kanilang pamilya ang paglalaan ng pangangailangan sa pagkain, gamot, at pag-aaral.
Ayon kay Cristy, malaking tulong ang 4Ps program upang maipagpatuloy niya ang kanyang edukasyon habang nakikita rin niya ang sakripisyo ng kanyang mga magulang para sa kanilang pamilya.
Naging benepisyaryo ng programa ang kanilang pamilya noong 2012 kung saan aktibong tumutupad ang kanyang ina sa mga kondisyon ng programa kabilang ang pagdalo sa Family Development Sessions.
Noong 2024 ay nagtapos siya ng kursong Bachelor of Secondary Education major in English, at noong Nobyembre 2025 ay matagumpay niyang naipasa ang Licensure Examination for Teachers o LET.
Ayon sa Lokal na Pamahalaan at sa 4Ps program personnel, ang tagumpay ni Cristy ay patunay na sa tulong ng edukasyon, suporta ng pamilya, at determinasyon, kayang baguhin ng isang tao ang takbo ng kanyang buhay at magsilbing inspirasyon sa kanyang komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








