Friday, May 15, 2026

Mga mambabatas na kinasuhan ni Atty. Manases Carpio, haharap na sa preliminary investigation

Haharap ngayong Biyernes, May 15, sa preliminary investigation sina Akbayan Party-list Representatives Chel Diokno at Perci Cendaña kaugnay ng reklamong inihain ng asawa ni Vice President Sara Duterte na si Atty. Manases Carpio.

Kaugnay ito ng pagsisiwalat umano ng mga mambabatas kasama sina Batangas Rep. Gerville Luistro at Mamamayang Liberal Party-list Rep. Leila de Lima ng ulat ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) sa kaniyang bank accounts sa impeachment hearing na labag umano sa Republic Act No. 916 o Anti-Money Laundering Act, Republic Act No. 1405 o Secrecy of Bank Deposits Act, at Republic Act No. 10173 o Data Privacy Act.

Ayon kay Diokno, nauunawaan nila na may karapatan si Carpio na maghain ng reklamo at handa umano silang harapin ito lalo’t alam umano nilang wala silang nilabag na batas at ginawa lang umano nila ang kanilang tungkulin alinsunod sa Konstitusyon.

Samantala, isasagawa ang preliminary investigation mamayang alas-9:00 AM sa Quezon City Prosecutor Office.

Facebook Comments