3,226 MAGSASAKA SA SAN NICOLAS, TUMANGGAP NG CASH AID AT PATABA MULA DA-RFO 1 ‎

Mahigit 3,000 magsasaka sa bayan ng San Nicolas, Pangasinan ang nakinabang sa inilunsad na Presidential Assistance for Farmers and Fisherfolk Program (PAFFP) at fertilizer distribution ng Department of Agriculture – Regional Field Office 1 (DA-RFO 1) katuwang ang lokal na pamahalaan. ‎ ‎

Isinagawa sa San Nicolas Public Auditorium ang pamamahagi ng unconditional cash assistance para sa 3,226 rice farmers kung saan tumanggap ang bawat benepisyaryo ng tig-P2,325 sa ilalim ng 2026 General Appropriations Act o Republic Act No. 12314. ‎

‎Kasabay ng cash aid distribution, isinagawa rin ang pamamahagi ng inorganic fertilizers sa ilalim ng MASAGANA Rice Program para sa Dry Cropping Season 2025–2026. ‎ ‎

Kabuuang 1,893 rice farmers ang tumanggap ng iba’t ibang farm inputs tulad ng Urea (46-0-0), Humus, Bio-N, at Humi-N upang mapalakas ang produksyon ng palay. ‎

Samantala, 200 corn farmers naman ang nakinabang sa ilalim ng Yellow Corn Production Enhancement Program (YCEP) matapos makatanggap ng Urea fertilizer bilang suporta sa pagpapataas ng ani ng mais. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments