Ayon sa ulat, naglalaman ang wallet ng iba’t ibang identification cards, pera, at mga barya. Agad itong isinuko sa tanggapan sa pamamagitan ni Chief of Police PLTCOL Perlito R. Tuayon para sa wastong dokumentasyon at safekeeping.
Sa isinagawang beripikasyon, nakilala ang may-ari ng wallet na si G. Junas Aquino Resuello.
Pinapayuhan si Resuello na personal na magtungo sa Mangaldan Municipal Police Station upang kunin ang kaniyang wallet at magdala ng anumang valid identification card para sa tamang beripikasyon.
Ayon sa pulisya, ipinapakita ng nasabing insidente ang patuloy na pagsisikap ng Philippine National Police na itaguyod ang katapatan, integridad, at tapat na serbisyo publiko sa komunidad.
Patuloy namang pinaalalahanan ng Mangaldan MPS sa ilalim ng pamumuno ni PLTCOL Perlito R. Tuayon ang publiko na maging mapagmatyag at agad na iulat sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya ang anumang nawawala o napupulot na gamit. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣






