
Mas pinalakas pa ng Pilipinas at Amerika ang kanilang ugnayan matapos magkausap sa telepono sina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at U.S. Secretary of State Marco Rubio ngayong araw.
Naganap ang pag-uusap bago tinanggap ng pangulo sa Malacañang si Vietnam President Tô Lâm.
Ayon kay Pangulong Marcos, tinalakay nila ang mahahalagang usapin sa rehiyon, ekonomiya, at kalakalan.
Nagkasundo rin ang Pilipinas at Estados Unidos na palawakin pa ang kanilang kooperasyon at pagtutulungan para sa mga kapwa nilang interes sa rehiyon.
Kasunod ito ng patuloy na pagpapalalim ng ugnayan ng Maynila at Washington sa larangan ng seguridad, ekonomiya, at iba pang mahahalagang sektor.
Facebook Comments










