Monday, June 1, 2026

Bantay Senado, inilunsad para tutukan ang nalalapit na impeachment trial ni VP Sara

Pormal nang inilunsad ang “Bantay Senado” na binubuo ng mahigit 350 volunteers mula sa hanay ng mga estudyante, abogado, guro at iba’t ibang civil society organizations.

Ito’y para imonitor at tutukan ang nalalapit na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa Senado.

Layunin nito na bantayan ang buong proseso ng paglilitis upang matiyak na patas, walang pinapanigan at naaayon sa batas.

Bahagi ng kanilang programa ang pagsasagawa ng mga town hall discussion, online information campaigns, at community watch events para mas lalong maintindihan ng publiko ang takbo ng impeachment.

Maglalabas din sila ng daily summary at analysis ng mga pagdinig, pati na ang live scorecard na susukat sa performance ng mga senador na tatayong mga hukom sa impeachment proceedings.

Sa pagsisimula naman ng impeachment trial, magtatalaga ang Bantay Senado ng trained observers sa mga pagdinig upang matiyak ang transparency at accountability ng proseso.

Naniniwala ang grupo na mahalagang mabantayan ang impeachment trial dahil maaari itong magtakda ng pamantayan sa pananagutan ng matataas na opisyal ng pamahalaan, at makaapekto sa direksyon ng pulitika sa bansa.

Panawagan ng Bantay Senado sa mga senador, pairalin ang kanilang tungkulin bilang mga hukom kung saan pag-aralan at timbangin ang ebidensya saka magpasya base sa konstitusyon ng bansa.

Facebook Comments