
13 na bilang ng mga senador ang kinakailangan upang mabago ang ang Senate presidency.
Ito ang mariing pahayag ni Senador Imee Marcos kasunod ng suhestyon ni Senador Panfilo Lacson na si Senador Sherwin Gatchalian ang tanging makakapag-kaisa o unite sa mayorya at minorya sa Senado.
Sa Pandesal forum, sinabi ni Marcos na hanggang Lunes ay mananatiling solid at mananatiling 13 ang bilang ng majority.
Una na kasing naging mainit ang ugong na mayroong mga pulitiko at kahit hindi pulitiko na kumikilos upang magkaroon ng pagbabago sa liderato mula nang mapasakamay ni Senador Alan Peter Cayetano ang Senate Leadership.
Samantala aminado ang senadora na magulo na ang Senado at maging ang gobyerno dahil sa kaguluhan sa pulitika .
Napapabayaan na umano ang tunay na pagtugon sa kalagayan ng naghihirap na Pilipino.










