Monday, June 1, 2026

Apat na kasunduan, nilagdaan ng Pilipinas at Vietnam

Sinaksihan nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Vietnamese President Tô Lâm ang paglagda sa apat na kasunduan ng Pilipinas at Vietnam sa Malacañang.

Kabilang dito ang Memorandum of Understanding (MOU) on Defense Cooperation na nilagdaan ng Department of National Defense (DND) at Ministry of National Defense ng Vietnam para palakasin ang pagtutulungan ng dalawang bansa sa pagbabantay sa karagatan, pagsasanay ng mga sundalo, at pagtugon sa mga kalamidad.

Nilagdaan din ang MOU on Information Technology and Digital Transformation Cooperation sa pagitan ng Department of Information and Communications Technology (DICT) at Ministry of Science and Technology ng Vietnam para mapalawak ang paggamit ng digital services at makabagong teknolohiya.

Nagkasundo rin ang dalawang bansa sa ilalim ng Tourism Cooperation Program na nilagdaan ng Department of Tourism (DOT) at Ministry of Culture, Sports and Tourism ng Vietnam para palakasin ang turismo at madagdagan ang mga biyahe ng eroplano sa pagitan ng Pilipinas at Vietnam.

Lumagda rin sa kasunduan ang University of the Philippines (UP) at ang Academy of Public Administration and Governance ng Ho Chi Minh National Academy of Politics para sa pagpapalitan ng mga estudyante at guro.

Facebook Comments