
Binantaan umano na sasampahan ng kaso ang mga kasamahan ni Senate President Alan Peter Cayetano sa mayorya kapag hindi lumipat sa kasalukuyang Minority Bloc.
Ang pagsisiwalat ay kasunod ng pagsasampa ng kaso laban sa kasamahan sa mayorya na si Senator Jinggoy Estrada na nahaharap sa kasong graft at plunder sa Sandiganbayan kaugnay sa maanomalyang flood control projects.
Sinabi ni Cayetano na ang tunay na plano ay takutin at gipitin ang mga nasa majority bloc para tumawid sa minorya at kung hindi ay aarestuhin ang mga senador na nahaharap sa kaso.
Giit ni Cayetano, kung ganito ang mga pananakot, papaano na lamang aniya kung gumugulong na ang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.
Iginiit pa ni Cayetano na ito ang unang pagkakataon na may Senate President, majority bloc at mga Chairman ng Senate Committees na hindi hawak ng Malakanyang kaya masasabing ito ang unang fully independent na mayorya sa mataas na kapulungan.










