PBBM, dumating na sa Pilipinas mula sa Brunei ayon sa PCO

 

Kinumpirma ng Presidential Communications Office (PCO) na dumating na kagabi sa Pilipinas si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., mula sa Brunei.

Matatandaang dumalo si Pangulong Marcos sa kasal ni Brunei Prince Abdul Mateen matapos imbitahan ni Sultan Hassanal Bolkiah.

Ayon kay PCO Secretary Cheloy Garafil, dakong alas-7:00 kagabi nang dumating ang pangulo sa Pilipinas.


Sabado ng gabi nang bumiyahe patungong Brunei sina Pangulong Marcos at First Lady Liza Marcos para dumalo sa royal wedding.

Ang pagdalo ng pangulo sa royal wedding ay inaasahang muling magpapatibay ng bilateral ties ng Pilipinas at Brunei kung saan may nasa 22,000 Overseas Filipino Workers (OFW) ang nagtatrabaho.

Facebook Comments