
Arestado ng mga operatiba ng Philippine National Police ang apat na indibidwal sa isinagawang Anti-Illegal Gambling Operation sa Barangay Alicante, E.B. Magalona, Negros Occidental nitong Miyerkules.
Ayon sa ulat ng pulisya, nabigo ang mga naarestong suspek na magpakita ng anumang authority o legal na dokumento para magsagawa ng online sabong.
Narekober sa kanila 142 na buhay na manok na pansabong, 106 na patay na manok, 156 gaffs, dalawang camera stands at dalawang TV monitor.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9287 o Illegal Gambling – Online Sabong.
Sa ngayon, nasa kustodiya ng pulisya ang mga akusado para sa tamang disposisyon.
Facebook Comments










