Friday, July 10, 2026

Pagtakbo ni VP Sara sa 2028, hindi mapipigilan basta’t walang impeachable offense —Malacañang

Walang sinuman ang makakapigil kay Vice President Sara Duterte na tumakbo sa 2028 Presidential Elections kung mapatutunayang wala siyang nagawang impeachable offense.

Ito ang iginiit ng Malacañang bilang tugon sa pahayag ni Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte na layunin umano ng impeachment trial na hadlangan ang kandidatura ng kanyang kapatid.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, ang impeachment ay isang prosesong malinaw na itinakda ng Konstitusyon at hindi isang planong pampulitika.

Binigyang-diin pa nito na kung mapawalang-sala VP Sara, malaya siyang makakatakbo sa anumang posisyon.

Pero kung malulusutan niya ang impeachment hindi dahil sa ebidensya kundi dahil sa suporta ng mga kaalyado, nasa taumbayan na ang paghusga.

Sa ngayon, sabi ni Castro, tungkulin ng Senado na sundin ang Konstitusyon at igalang ang due process.

Facebook Comments