
Kinilala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mahalagang ambag ng mga manggagawang Pilipino sa pag-unlad ng bansa ngayong Labor Day.
Ayon sa pangulo, ang mga manggagawa ang tunay na lakas ng ekonomiya anumang oras at uri ng trabaho.
Sa sipag at sakripisyo aniya ng mga manggagawa, tumitibay ang mga pamilya at ang buong bansa.
Hinimok din niya ang gobyerno at pribadong sektor na magtulungan para matiyak na may sapat na sahod, benepisyo, at oportunidad ang mga manggagawa.
Tiniyak ng pangulo na patuloy na uunahin ng kanyang administrasyon ang paglikha ng trabaho at mas matibay na proteksyon para sa mga manggagawa.
Facebook Comments










