
Itinaas na ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Operations Center (RDRRMC) –Central Visayas ang alert status nito sa Red Alert para sa ika-48 ASEAN Leaders’ Summit sa Cebu.
Epektibo ang nasabing pagtataas ng alerto kahapon, April 30 batay sa Memorandum No. 22, series of 2026 na nilagdaan ni RDRRMC Central Visayas Chairperson Dir. Joel Mamon.
Layon nito na matiyak ang pinaigting na monitoring, koordinasyon at kahandaan sa pagresponde sa mga posibleng emergencies sa ika-48 ASEAN Leaders’ Summit sa Cebu sa May 5 hanggang 8.
In-activate na rin ang Emergency Operations Center para sa paghahanda sa nasabing nalalapit na aktibidad.
Pinayuhan naman ang publiko na manatiling nakaantabay sa mga opisyal na abiso at makipag-ugnayan sa mga awtoridad habang naghahanda ang Cebu sa hosting ng naturang event.










