PBBM, magkakaroon ng bilateral meeting sa mga lider ng France at Canada sa Cambodia‬

Photo Courtesy: Office of the President

‪Inanunsyo mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na magkakaroon ito ng bilateral meetings kina ‬Canadian Prime Minister Justin Trudeau at French President Emmanuel Macron.

Aniya, ito ay kaniyang sidelines of the meeting sa ika-40th and 41st Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summits and Related Summits dito sa Phnom Penh Cambodia.

Ayon sa pangulo, ito ang unang pagkakataon na magkakausap sila ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau kaya maikokonsidera aniya itong introductory meeting.


Pangalawang pagkakataon naman makakausap ni Pangulong Marcos Jr., si France President Macron, kaya tiyak na agad silang magkakausap sa mga detalye ng mga usapin na mahalagang matalakay.

Dagdag pa ng pangulo na ang bansang France ay sumusubok na magkaisa naman para sa coalition on climate change sa ilalim ng guidance ng United Nations.

Facebook Comments