Wednesday, July 29, 2026

Sen. Pia Cayetano, sinampahan ng ethics complaint ng ilang kababaihan at kabataang grupo

Pinapaimbestigahan ng ilang grupo ng mga kababaihan at kabataan si Senator Pia Cayetano.

Pinangunahan ni Joanna Caumeran ng Every Woman ang paghahain ng reklamo laban kay Cayetano sa Senate Committee on Ethics.

Ang ethics complaint ay nag-ugat sa spliced video ng impeachment trial na nakapost sa social media account ng senadora.

Iginiit sa reklamo na misleading ang spliced video ni House prosecutor Rep. Chel Diokno dahil ipinalalabas na mistulang fishing expedition at walang ebidensya ang prosekusyon laban kay Vice President Sara Duterte.

Ang nasabing video ay hindi kumpleto at pinagdugtong-dugtong para bigyang malisya ang pahayag ni Diokno.

Iginiit ni Caumeran na dapat maimbestigahan ito ng Ethics Committee at hindi ito ang tamang conduct ng isang senator-judge.

Facebook Comments