
Iginiit ng House Prosecution Panel na delikado at lubhang nakakabahala ang pag-post ni Senator-judge Pia Cayetano sa social media account nito ng spliced video kung saan pinapalabas na nagsasagawa ng fishing expedition o nagbabakasali ang prosekusyon na makakalap ng mga ebidensya laban kay Vice President Sara Duterte.
Ipinapakita sa video ang putol-putol na bahagi ng diskusyon nina Senator-judge Alan Peter Cayetano at House Prosecutor Rep. Chel Diokno mula sa oral arguments para sa request na tax at bank record ni VP Duterte at mister na si Atty. Manases Carpio.
Ayon kay Tolosa, ang nasabing spliced video ay maaring magpahiwatig na may ilang senator-judge ang hindi patas at hinusgahan na ang impeachment case laban kay VP Duterte.
Babala pa ni Tolosa, maaari rin itong maging daan para bumaba ang kumpyansa ng mamamayan sa ating mga institusyon pangunahin sa Senate Impeachment Court na siyang may mahalagang tungkulin sa pagpapanagot sa mga matataas na opisyal sa bansa.
Diin ni Tolosa, dapat pawang katotohanan lang ang ipabatid sa publiko kaugnay kaugnay sa impeachment trial kaya hinihikyat niya ang mamamayan na ito ay panoorin at huwag umasa sa mga video na pinapakalat sa social media.










