Saturday, November 21, 2026

PBBM, tinabla ang panawagang repasuhin ang kaniyang economic team

Tinabla ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panawagan ni Senator Panfilo “Ping” Lacson na repasuhin ang performance ng kanyang economic team sa gitna ng mga problema sa ekonomiya ng bansa.

Sa press conference sa Shenzhen, China, sinabi ni Pangulong Marcos na malaking bahagi ng mga hamong pang-ekonomiya ng Pilipinas ay ang epekto ng sigalot sa Iran.

Dinepensahan din ng Pangulo ang mga pagbabago sa kanyang gabinete.

Paliwanag ng Pangulo, kailangang umangkop ang pamahalaan sa mga bagong hamon tulad ng digmaan sa Iran, at pagbabago sa pandaigdigang sitwasyon.

Hindi rin daw ibig sabihin nito na hindi siya natutuwa sa perfomance ng kaniyang mga gabinete.

Facebook Comments