PBGen Espino, Muling Ipinag-utos ang Agarang Paghuli sa Suspek na Pumatay sa Isang Brgy. Chairman!

651

*Tuguegarao City – Muling ipinag-utos ni PRO2 Regional Director PBGen Jose Mario Espino sa mga kapulisan na tugisin na ang itinuturing na pangunahing suspek sa pamamaril sa isang Kapitan sa bayan ng Tuao, Cagayan.

Kinilala ni Cagayan Police Provincial Director P/Col. Ignacio Cumigad Jr. ang suspek na si Ronald Gannaban, residente ng Barangay Iluru Sur, Rizal, Cagayan.


Bagamat pareho aniya ang apelyido ng biktimang si Kapitan Orlino Gannaban ng Brgy. Llayug, Tuao, Cagayan at ang suspek na si Ronald Gannaban ay binigyang linaw nito na base sa kanilang pagsisiyasat ay hindi magkamag-anak ang biktima at ang suspek.

Magugunita na noong Mayo 27, 2019 ng hapon ay binaril si Brgy. Captain Orlino Gannaban habang siya ay nakaupo sa kanyang motorsiklo na noon ay naghihintay sa kanyang kasama na si Barangay tanod Espidion Zingabo.

Maswerte namang hindi napuruhan sa pamamaril si Zingabo dahil agad itong naidala sa pinakamalapit na pagamutan.

Inihahanda na ang kasong Murder at Frustrated Murder na isasampa laban kay Ronald Gannaban.

Facebook Comments

From Advertisers