Tuesday, May 12, 2026

EJK victims, dapat ding bigyan ng proteksyon ng gobyerno — Malacañang

Handang magbigay ng proteksyon si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. hindi lang kay Senador Ronald “Bato” dela Rosa kundi maging sa mga biktima ng extrajudicial killings o EJK.

Ito ang naging tugon ng Malacañang sa panawagan ni Dela Rosa na bigyan siya ng proteksyon ng Pangulo kaugnay ng mga usapin na kinahaharap niya.

Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, lahat ng mamamayan ay may karapatang maprotektahan ng gobyerno basta naaayon sa batas, kabilang na ang mga akusado at mga biktima ng karahasan.

Binigyang-diin din ng Palasyo na matagal nang humihingi ng proteksyon at hustisya ang mga pamilya ng mga biktima ng extrajudicial killings.

Dagdag pa ni Castro, kung sakaling maaresto si Dela Rosa, dapat pa ring ibigay at igalang ang lahat ng kanyang karapatan bilang isang akusado alinsunod sa batas.

Facebook Comments