Wednesday, May 13, 2026

LIBRENG SERBISYONG PANGKALUSUGAN AT AICS ASSISTANCE, IHAHANDOG SA MGA DAGUPEÑO

Umaabot sa isang daan apatnapu’t walong indigent Dagupeños ang sumailalim sa interview para sa Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS sa City Health Office.

Sa tulong ng City Social Welfare and Development Office, Social Services Unit, at City Health Office, tiniyak ng lokal na pamahalaan ang maayos na proseso upang agad na maihatid ang kinakailangang tulong sa mga benepisyaryo.

Pinaalalahanan din ang mga residente tungkol sa PhilHealth GAMOT Program kung saan maaaring makatanggap ng maintenance medicines na aabot sa dalawampung libong piso kada taon. Libre rin ang pamamahagi ng baston, wheelchair, at walker para sa mga nangangailangan.

Samantala, nakatakda rin sa Mayo a-beinte nuwebe hanggang a-trenta’y uno ang libreng tuli, minor surgery, at pamamahagi ng libreng gamot bilang bahagi ng health programs ng lokal na pamahalaan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments