DPWH: Halaga ng pinsalang iniwan ng Bagyong Aghon sa imprastraktura, pumalo sa mahigit P600-M

Umabot sa mahigit ₱600 milyon ang halaga ng pinsalang iniwan ng Bagyong Aghon sa imprastraktura.

Sa datos ng Department of Public Works and Highways (DPWH), pumalo sa P670.215 million ang paunang halaga ng pinsala.

Inaasahang madaragdagan pa ito habang nagpapatuloy ang field validation ng DPWH.


Sa kabila ng mga naitalang pinsala, sinabi ng kagawaran na nadaraanan na ang lahat ng mga kalsada at tulay na naapektuhan ng Bagyong Aghon.

Pinakahuli rito ang anim na kalsada na binuksan ng DPWH noong Lunes.

Facebook Comments