Philippine Army, nag-deploy ng K9 units para sa patuloy na search and retrieval efforts matapos ang naganap na landslide sa Leyte dahil sa Bagyong Agaton

Tuloy ang search and retrieval efforts ng Philippine Army sa Leyte.

Sa katunayan, idineploy pa nila ang kanilang K9 units at engineers para tumulong sa pagsasagawa ng search, rescue and retrieval efforts sa Baybay City, Leyte.

Nag-deploy rin sila ng mga tauhan sa mga barangay ng Bunga, Mailhi at Kan‑ipa na hindi pa rin accesible at tumutulong sa search and retrieval operation para mahukay ang mga nabaon sa lupa dahil sa landslides at mga natangay ng malakas na hangin.


Pinakalat din ng Army ng kanilang K9 Battalion na may maraming working dogs at nagsasagawa ngayon ng combat tracking at explosive detection.

Facebook Comments