Philippine Embassy sa South Korea, nakikipag-ugnayan na sa Filipino community leader kaugnay ng malakas na bagyo roon

78

Nangangalap na ng update sa Filipino community leaders ang Philippine Embassy sa South Korea kaugnay ng malakas na bagyong tumama roon.

Partikular sa mga lugar na mahigpit na hinagupit ng bagyo tulad ng Jeju Island, Busan, at Geoje Island.

Sa ngayon, wala pang makuhang update ang embahada hinggil sa kung may mga Pinoy na naapektuhan ng bagyo.


Pinapayuhan din ng Philippine Embassy ang mga Pinoy roon na mag-ingat at mag-monitor sa developments.

Nagsasagawa na rin ng assessment ang Korean government hinggil sa lawak ng pinsala ng bagyo.

Facebook Comments