Philippine military, magtatalaga ng all-Muslim fighting unit para sa susunod na recruitment ng AFP

Manila, Philippines – Magtatalaga ng all-Muslim fighting unit ang Philippine military para sa susunod na recruitment ng Armed Forces of the Philippines.

Ayon kay spokesman Colenel Edgar Arevalo, limang porsiyento ng bakanteng slot ang itatabi para sa mga Muslim.

Sa ngayon ay mayroong 10 porsiyento na nakalaan para sa mga babaeng aplikante at limang porsiyento naman para sa mga indigenous people sa hanay ng Philippine Army.


Sa pahayag ni AFP Chief of Staff General Eduardo Año, layunin nito na magkaroon ng pantay na oportunidad sa lahat ng uri ng mamamayan sa lipunan.
Nation”

Facebook Comments