Nagsagawa ng pagbabakuna ang Philippine Red Cross sa mga madre ng Daughters of Charity Province of St. Louise de Marillac Asia sa Parañaque, kahapon, Setyembre 15.
Kabilang sa mga nabakunahanan ang mga madreng nasa senior citizen gamit ang Johnson & Johnson COVID-19 vaccine.
Ayon kay PRC Rizal Chapter Administrator Ria Rivera, ang mga ito ay nasa pagitan ng edad 70-90 na hindi nabakunahan ng kanilang lokal na pamahalaan.
Dagdag pa ni Rivera, target din nilang magtungo sa iba pang kumbento para sa pagbabakuna.
Kasabay nito, tiniyak ni PRC Chairman at CEO Senator Dick Gordon nakahandang tumulong at magbigay ng pag-asa ang kanilang organisasyon sa publiko nang wala halong diskriminasyon.
Sa ngayon, umabot na sa 217,808 na indibidwal nabakunahan sa tulong ng PRC kung saan 173,882 ang nabakunahan sa 20 Bakuna Centers at 43,926 ang nabakunahan sa 16 Bakuna Buses sa buong bansa.