Kukumbinsihin ng grupong MANIBELA ang iba pang transport group na sumama sa isasagawa nilang tigil-pasada sa susunod na linggo.
Sa interview ng DZXL RMN Manila kay MANIBELA President Mar Valbuena, una niyang kakausapin ang grupong Piston na una nang nagpahayag na magsasagawa ng transport strike sa Abril 21.
Kailangan aniya niyang kausapin ang ilang transport group para magsanib-puwersa para sa mas malakawang tigil-pasada.
Layon ng kanilang tigil-pasada na kalampagin ang pamahalaan para maibalik sa dati ang presyo ng petrolyo.
Nangangamba rin itong matabunan na ang isyu sa kinahaharap na krisis sa langis matapos maaresto si dating Ako Bicol Party-list Representative Elialdy Co.
Una rito, sinabi ni Valbuena na posibleng magtagal ng dalawa hanggang sa tatlong araw ang isasagawa nilang transport strike simula Abril 21.










