Tuesday, April 21, 2026

Senador, isinusulong ang professionalization at security of tenure sa hanay ng mga midwife

Isinusulong ni Senate Deputy Majority Leader JV Ejercito ang professionalization at pagkakaroon ng security of tenure ng mga midwife sa bansa.

Sa Senate Bill No. 2044 o Philippine Midwifery Empowerment Act na inihain ng senador, layon nitong wakasan ang matagal nang problema sa casual at job-order arrangements sa midwifery workforce ng bansa.

Sa ilalim ng panukala, lilikha ng mga plantilla position para sa mga midwife at itatakda sa Salary Grade 13 ang entry-level salary ng mga ito.

Isinusulong din ang ladderized education framework para mapalakas ang propesyon ng mga midwife.

Tinukoy ni Ejercito na sa mga malalayong lugar, ang mga midwife ang nangunguna at kung minsan ay sila lamang ang tanging health provider.

Dagdag pa ng senador, kung seryoso ang pamahalaan sa pagpapatupad ng Universal Health Care Act, dapat palakasin ang hanay ng mga midwife dahil mahalaga ang kanilang papel sa pagpapabuti ng maternal at child health.

Facebook Comments