Pilipinas at China, magpupulong ngayong araw!

Sesentro sa confidence-building measures, maritime security at cooperation ang paksa ng pagpupulong ngayong araw sa pagitan ng Pilipinas at China.

Nabatid na bahagi ito ng regular na Bilateral Consultation Mechanism (BCM).

Batay sa napagkasunduan, idadaan online ang pagpupulong kung saan Si Chinese Assistant Minister of Foreign Affairs Wu Jianghao ang mangunguna sa deligasyon ng China, habang si Foreign Affairs Undersecretary Elizabeth Buensuceso naman ang para sa panig ng Pilipinas.


Makakasama nila ang kani-kanilang kinatawan ng mga sektor na sumasaklaw sa diplomacy, national defense, natural resources, agriculture at ecological environment para sa nasabing aktibidad.

Matatandaang naging tema na rin sa mga nakaraang pulong ang maritime disputes, maritime search and rescue, maritime safety, oil at gas development, pati na ang maritime fisheries.

Facebook Comments