Friday, May 22, 2026

Iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, magtutulungan para palakasin ang mga agricultural cooperatives sa bansa

Magtutulungan ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan upang mapalakas ang mga agricultural cooperatives sa bansa.

Kasunod ito ng paglagda sa isang joint memorandum circular ng Department of Agriculture (DA), Department of the Interior and Local Government (DILG) at Cooperative Development Authority (CDA).

Sa pamamagitan ng bagong inter-agency framework, mababawasan ang dumodobleng programa ng gobyerno, at maisusulong ang isang mas maayos at data-driven system para sa pagpapaunlad at suporta sa mga cooperative.

Kinikilala ng DA ang mahalagang papel ng agricultural cooperatives bilang pangunahing tagapagpasigla ng lokal na ekonomiya.

Facebook Comments