
Kinumpirma ng Transportation Department ang nakatakdang paglipat sa relocation site ng 72 pamilyang naapektuhan ng konstruksyon ng North-South Commuter Railway (NSCR) Project.
Ito ay para bigyang daan ang konstruksyon ng railway system mula sa Clark International Airport sa Pampanga hanggang sa Calamba, Laguna at vice versa.
Ayon sa DOTr, ang relocatees ay lilipat sa Building 1 ng San Fernando View Residences na mayroong 288 units sa apat na gusali.
Ang four-storey low-rise na relocation site ay ginawa ng DOTr katuwang ang National Housing Authority (NHA).
Facebook Comments










