Tuesday, November 17, 2026

Partnership at student exchange program ng Japan, tinalakay sa ASEAN-Japan Summit

Tiniyak ni Japanese Prime Minister Sanae Takaichi ang pagpapatuloy ng partnership program sa pagitan ng Japan at mga bansang kasapi ng ASEAN upang higit pang mapatibay ang ugnayan sa rehiyon.

Sa kaniyang talumpati sa ginanap na ASEAN-Japan Summit ngayong Martes, binigyang-diin ni Takaichi ang kahalagahan ng patuloy na kooperasyon sa pagitan ng Tokyo at mga miyembro ng bloc.

Kabilang sa mga pangunahing inisyatibang ipagpapatuloy ang student exchange program na naglalayong mapalawak ang palitan ng kaalaman at kasanayan sa hanay ng mga kabataan.

Ilulunsad rin ng Japan at ng ASEAN ang bagong Japan-ASEAN AI Safety and Security Partnership upang tugunan ang mga banta at hamon na kaakibat ng artificial intelligence, kasabay ng pagpapalawak ng kooperasyon sa ekonomiya, enerhiya, at seguridad sa karagatan.

Sa ilalim ng kanilang Comprehensive Strategic Partnership, nangako ang Japan na patuloy na susuportahan ang mga bansang kasapi ng ASEAN sa pagpapalakas ng maritime safety, paglaban sa transnational crime at organized fraud, at pagpapabuti ng kahandaan sa mga kalamidad.

Facebook Comments