
Nagpahayag ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng pagkabahala sa pinakahuling ballistic missile launches ng Democratic People’s Republic of Korea (DPRK).
Tinuligsa rin ito ng DFA lalo na’t makasisira aniya ito sa pagsusulong ng ekonomiya, kapayapaan at katatagan ng Korean Peninsula at ng Indo-Pacific region.
Kaugnay nito, muling nanawagan ang Pilipinas sa North Korea na ihinto na ang mga ganitong aktibidad at sa halip ay tumalima sa international obligations.
Partikular sa UN Security Council Resolutions, at isulong ang mapayapang dayalogo.
Facebook Comments