MSRP sa baboy, pansamantalang inalis ng DA

Pansamantala munang tatanggalin ng Department of Agriculture (DA) ang pagpapatupad ng maximum suggested retail price (MSRP) sa baboy.

Ayon kay DA Usec. Dante Palabrica, ito ay habang pinag-aaralan pa ng DA kung paan ito maipatutupad nang mas epektibo.

Aniya, asahan na magkakaroon ng mga pagbabago sa implementasyon ng MSRP sa baboy sa susunod na mga araw.

Ani Palabrica, ang mataas na presyo ng karneng baboy sa mga palengke ay dahil sa supply at demand.

Tumaas aniya ang demand sa pangangailangan sa baboy dahil sa nagdaang eleksyon habang nanatili namang manipis ang suplay dahil sa epekto pa rin ng African Swine Fever (ASF).

Nakikipag-ugnayan na ang DA sa Food TerminaI Inc., at sa pribadong kompanya na pataasin pa ang suplay ng baboy na binabagsak sa palengke sa farmgate price na P230 kada kilo.

Plano ng DA na maitaas mula sa kasalukuyang 100 heads patungong 500 heads kada araw ang maibagsak sa mga palengke.

Tuloy-tuloy naman ang repopulation efforts ng DA habang inaantay ang FDA approval sa roll out ng ASF vaccine galing Vietnam.

Facebook Comments